Impormasyon Tungkol sa Karagdagang Bakuna (Laban sa Omicron) Bakuna Laban sa Bagong Coronavirus (Laban sa Omicron)
ページ番号1009091 更新日 令和4年10月15日 印刷
Bakuna Laban sa Bagong Coronavirus (Laban sa Omicron)
Magsisimula na ang pagbabakuna laban sa Bagong Coronavirus (Laban sa Omicron)
≪Mga Taong Maaaring Magpabakuna≫
Para sa mga taong may edad labingdalawang (12) taong gulang pataas at nakatanggap na nang panimulang bakuna (una at pangalawa) sa nakalipas na anim na buwan.
≪Panahon nang Pagpapadala ng mga Kupon sa Bakuna≫
Ipapadala sa inyo ang kupon nang humigit-kumulang sa dalawang lingo bago ang posibleng gagawing pagbabakuna.
※Maaaring tumagal nang ilang araw bago makarating ang kupon depende sa kalagayan ng pagpapadala nito.
Magapareserba kaagad pagkatapos na dumating ang mga kupon. Isang beses lang ang pagbabakuna. Wala itong bayad. Hwag itapon ang kupon na nasa envelope hanggat hindi pa tapos magpabakuna.
《Mga Ipapadalang Bagay》
Envelope
Kupon na may kasamang Form ng Paunang Medikal na Pagsusuri
Kailangan ito sa panahon ng pagbabakuna. Punan ang mga bahaging nasa kanan,huwag itong punitin at dalhin ito sa araw nang iyong pagbabakuna. Ang bahaging nasa kanan ay dokumentong nagpapatunay na kayo ay nabakunahan na ng dalawang beses. Itago ito pagkatapos nyong mabakunahan.
Tagubilin sa Pagbabakuna
Nakalakip din ito sa tagubilin hinggil sa pagbabakuna.
Paunawa sa Bakunang
(Pfizer)
(Moderna)
Nakasulat ang mga kailangang pag-iingat na gagawin sa panahon na kayo ay magpapabakuna. Basahin ang mga ito bago ang araw ng inyong pagbabakuna.
(Paraan ng Pagpapareserba)
- Sa pamamagitan ng Website (Maaaring magpareserba sa loob nang 24 oras)
- (Sa pamamagitan ng Call Center)
Numero ng Telepono:0568-39-5795
Mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon (Weekdays, Sabado, Lingo at Holidays)
※Mayrong mga tagapagsalin sa wikang Ingles, Portuges at Espanyol sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes lamang. - Tanggapan para sa Epesyal na Reserbasyon (magbubukas mula alas 10 : 00 ng umaga hanggang alas 4 : 00 ng hapon)
Lugar
Petsa
Inuyama City Citizens’ Exchange Center "FREUDE" Ika-7,8 ng Oktubre
Ika-4,5,11,12 araw ng Nobyembre
Nanbu Community Center Ika-7 ng Oktubre
Ika-4,5,11,12 araw ng Nobyembre
Gakuden Fureai Center Ika-7,8 ng Oktubre
Ika-4,5,11,12 araw ng Nobyembre
※Pakidala ng kupon na may kasamang Form ng Paunang Medikal na Pagsusuri
Mga Tagubilin
-
Kailangang may patlang nang labintatlong araw ang pagitan ng bawat pagbabakuna (maliban lang sa bakuna na panlaban sa influenza).
-
Walang tagapagsalin o translator sa mga lugar para sa maramihang pagbabakuna. Magsama nang taong marunong magsalita nang wikang Hapon. Maaaring pumasok kasama ang isang tagapagsalin at isang taga-tulong.
Contact Information Para sa mga Katanungan
Call Center ng Inuyama City Para sa Reserba/Konsultasyon
TEL: 0568-39-5795 Araw-araw mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon (Maliban sa ika-29 ng Disyembre, 2021 at ika-3 ng Enero, 2022)
Tutugon sa Wikang: Ingles, Espanyol at Portuguese (Lunes/Miyerkules at Biyernes lamang)
このページに関するお問い合わせ
犬山市『予約・相談』コールセンター
電話:0568-39-5795(平日、土曜日、日曜日、祝日 午前9時~午後5時)
※12月29日~1月3日除く
※ワクチン接種に関するお問い合わせは、すべてコールセンターで受け付けています。お気軽にお電話ください。