Dagdag(Pang-apat na Beses)na Impormasyon Hinggil sa Bakuna
ページ番号1008817 更新日 令和4年5月31日 印刷
Hinggil sa Pang-apat na Beses na Bakuna Laban sa COVID-19
Magsisimula na ang Pang-apat na beses na bakuna laban sa COVID-19
1 | Mga Taong May Edad na 60 taong gulang pataas at nabakunahan ng bakuna laban sa COVID 19 matapos ang limang buwan |
---|---|
2 | Mga Taong May Edad 18 Hanggang 59 Taong Gulang Na May Dinadalang Karamdaman at nabakunahan ng bakuna laban sa COVID 19 matapos ang limang buwan ※Kung nais na kumuha ng kupon sa pagbabakuna, tumawag at sumangguni sa pamamagitan ng Call Center. |
Panahong Natapos ang Pangatlong Beses na Pagbabakuna | Iskedyul nang Pagpapadala ng Kupon |
---|---|
Mula ika-1 ng Disyembre,2021 hanggang ika-23 ng Enero, 2022 | Ika-30 ng Mayo, 2022 |
Mula ika-24 ng Enero,2022 hanggang ika-30 ng Enero, 2022 | Ika-6 ng Hunyo, 2022 |
Mula ika-31 ng Enero,2022 hanggang ika-6 ng Pebrero, 2022 | Ika-13 ng Hunyo, 2022 |
Mula ika-7 ng Pebrero,2022 hanggang ika-13 ng Pebrero, 2022 | Ika-20 ng Hunyo, 2022 |
Mula ika-14 ng Pebrero,2022 hanggang ika-20 ng Pebrero, 2022 | Ika-27 ng Hunyo, 2022 |
Mula ika-21 ng Pebrero,2022 hanggang ika-27 ng Pebrero, 2022 | Ika-4 ng Hulyo, 2022 |
Mula ika-28 ng Pebrero,2022 hanggang ika-6 ng Marso, 2022 | Ika-11 ng Hulyo, 2022 |
Mula ika-7 ng Marso,2022 hanggang ika-13 ng Marso, 2022 | Ika-19 ng Hulyo, 2022 |
Mula ika-14 ng Marso,2022 hanggang ika-20 ng Marso, 2022 | Ika-25 ng Hulyo, 2022 |
Mula ika-21 ng Marso,2022 hanggang ika-27 ng Marso, 2022 | Ika-1 ng Agosto, 2022 |
Mula ika-28 ng Marso,2022 hanggang ika-3 ng April, 2022 | Ika-8 ng Agosto, 2022 |
Ipapadala kada o bawat lingo ang mga kupon para sa mga kasunod na petsa na di nakatala sa taas. |
※Maaaring tumagal nang ilang araw bago makarating ang kupon depende sa kalagayan ng pagpapadala nito.
Magapareserba kaagad pagkatapos na dumating ang mga kupon. Isang beses lang ang pagbabakuna. Wala itong bayad. Hwag itapon ang kupon na nasa envelope hanggat hindi pa tapos magpabakuna.
《Mga Ipapadalang Bagay》
Envelope
Kupon na may kasamang Form ng Paunang Medikal na Pagsusuri
Kailangan ito sa panahon ng pagbabakuna. Punan ang mga bahaging nasa kanan,huwag itong punitin at dalhin ito sa araw nang iyong pagbabakuna. Ang bahaging nasa kanan ay dokumentong nagpapatunay na kayo ay nabakunahan na ng dalawang beses. Itago ito pagkatapos nyong mabakunahan.
Tagubilin sa Pagbabakuna
Nakalakip din ito sa tagubilin hinggil sa pagbabakuna.
Paunawa sa Bakunang
(Pfizer)
(Moderna)
Nakasulat ang mga kailangang pag-iingat na gagawin sa panahon na kayo ay magpapabakuna. Basahin ang mga ito bago ang araw ng inyong pagbabakuna.
(Paraan ng Pagpapareserba)
- Sa pamamagitan ng Website (Maaaring magpareserba sa loob nang 24 oras)
- (Sa pamamagitan ng Call Center)
Numero ng Telepono:0568-39-5795
Mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon (Weekdays, Sabado, Lingo at Holidays)
※Mayrong mga tagapagsalin sa wikang Ingles, Portuges at Espanyol sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes lamang. - Espesyal na Tinayong Tanggapan para sa Pagpapareserba (Inuyama City Citizens’ Exchange Center Freude/Nanbu Community Center/Gakuden Fureai Center)
Mula ika-17 ng Hunyo hanggang ika-23 ng Hulyo,2022, maaaring magpareserba sa mga tanggapang ito tuwing Biyernes at Sabado nang bawat buwan mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.
※(Walang tagapagsalin)
※Pakidala ng kupon na may kasamang Form ng Paunang Medikal na Pagsusuri
Mga Tagubilin
-
Hindi maaaring magpalapat nang ibang uri ng bakuna dalawang lingo bago at matapos magpalapat nang bakuna laban sa COVID 19.
-
Walang tagapagsalin o translator sa mga lugar para sa maramihang pagbabakuna. Magsama nang taong marunong magsalita nang wikang Hapon. Maaaring pumasok kasama ang isang tagapagsalin at isang taga-tulong.
Contact Information Para sa mga Katanungan
Call Center ng Inuyama City Para sa Reserba/Konsultasyon
TEL: 0568-39-5795 Araw-araw mula alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon (Maliban sa ika-29 ng Disyembre, 2021 at ika-3 ng Enero, 2022)
Tutugon sa Wikang: Ingles, Espanyol at Portuguese (Lunes/Miyerkules at Biyernes lamang)
このページに関するお問い合わせ
犬山市『予約・相談』コールセンター
電話:0568-39-5795(平日、土曜日、日曜日、祝日 午前9時~午後5時)
※12月29日~1月3日除く
※ワクチン接種に関するお問い合わせは、すべてコールセンターで受け付けています。お気軽にお電話ください。